Den Lucas's profile

BCDC Agricultural Products

Honey Man-C BCDC Agricultural Products
QUENCH YOUR THIRST AND SATISFY YOUR TASTEBUDS WITH HONEY MAN-C the ultimate healthy and refreshing calamansi concentrate with honey! This drink is rich in vitamin C, making it the perfect choice for anyone looking to boost their immune system!

Kilalanin natin ang BcDc Agricultural! Nagsimula ang BcDc Agricultural Products sa dalawang puno ng calamansi na kanilang itinanim sa likod ng kanilang bahay. Sa pamamagitan nito, ang pamilyang Fajutag ay nakagawa ng perpektong timpla ng sariwang calamansi concentrate na kanilang tinawag na HoneyMAN-C.

Ang HoneyMAN-C calamansi concentrate na may luya, turmeric, at calamansi puree ay pumatok at nakilala sa maraming bayan katulad San Teodoro, Calapan City, at sa mga nalalapit na probinsya katulad ng Occidental Mindoro, Romblon, Batangas, and Manila. 

Hindi makahabol sa tumataas na demanda ng produkto ang pamilyang Fajutag dahil sa kakulangan ng kanilang kagamitan. Sila ay lumapit sa DOST-MIMAROPA para sa Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) assistance. Sila ay nakatanggap ng mga bagong kagamitan para sa produksyon ng kanilang HoneyMAN-C. Nakatanggap din ang pamilya Fajutag ng productivity consultancy assistance sa pamamagitan ng Manufacturing Productivity Extension Program (MPEx) ng DOST. Ito, kasama ang ilang mga training sa Food Safety at cGMP, ay nakatulong sa kanila na makamit ang GMP-compliant production process and facility. 

“Napakarami po ng naitulong ng DOST sa amin kasi nagkaroon kami ng sapat na equipment at nag-improve ‘yung processing capacity namin. Dahil din po sa MPEX at seminars, mas naging handa kami sa pagpapa-LTO (license to operate).” Sabi ni Mrs. Lurie. Mula sa 850 na bote, maaari na itong makagawa ng hanggang sa higit sa 3,100 na bote ng 350ml at 500ml HoneyMAN-C bawat buwan, na nagsasalin sa 252% na pagtaas sa produktibidad. 

𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗺𝗮𝗿𝗼𝗽𝗮𝘃𝗲𝗻𝘁𝘂𝗿𝗲𝘀.𝗽𝗵? Ang https://mimaropaventures.ph ay isang digital marketplace na ginawa ng DOST-MIMAROPA para maipakilala ang mga lokal na produkto ng mga assisted micro, small, and medium enterprises (MSMEs) sa MIMAROPA sa mas maraming mamimili sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa website, i-kokonekta ka sa assisted MSMEs para ikaw na ang direktang makipag-transact sa kanila. Secure at hassle-free, ‘di ba? Kaya log-on na sa mimaropaventures.ph!
BCDC Agricultural Products
Published:

Owner

BCDC Agricultural Products

Published: